Most Wanted na NPA leader, susunod na tutugisin ng 1001ST Brigade matapos ang pagkasawi ng CPP Central Committee member sa engkwentro
Most Wanted na NPA leader, susunod na tutugisin ng 1001ST Brigade matapos ang pagkasawi ng CPP Central Committee member sa engkwentro
MACO, DAVAO DE ORO – Matapos mapatay sa engkwentro sa Davao de Oro ang miyembro ng Communist Party of the Philippines Central Committee na si Anna Sandra Reyes noong Disyembre 24, tinututugis na rin ng kasundaluhan ang isa pang lider nito na si Menandro Villanueva alias Bok.

Sa isang press conference, sinabi ni 1001st  Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Jesus Durante na isa siya sa kinikilalang mataas na lider ng organisasyon na nagtatago sa mga pinagkukutaan ng mga armed-wing nito na New People’s Army (NPA).

Ayon sa opisyal na magkakatulad ang ranggo nina Villanueva at ni Jorge Madlos o mas kilala na Ka Oris, sa kilusan kung saan itinuturing din itong Most Wanted Person ng batas. 

Sinabi ni Durante na muling namataan si Villanueva sa probinsya ng Davao de Oro at naniniwala sila na hindi pa ito nakawala sa nasabing lugar.

Kaya, nanawagan si 10th Infantry Division Commander Maj. Gen. Ernesto Torres Jr., sa mga komunidad na agad i-report sa kasundaluhan o di kaya sa kapulisan kung makita nila ang nasabing lider sa kani-kanilang mga lugar.

Ayon kay Torres na mayroong sobra P5 milyong pisong gantimpala sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Villanueva para sa agarang pagkahuli nito. 

What's your reaction?

Facebook Conversations