698
views
views
DAVAO CITY –Nagambag-ambag ang lahat ng personahe ng Davao City Police Office (DCPO) para sa ilaang pondo na ibibigay sa mga survivors ng ilang lugar sa bansa na tinamaan Bagyong Odette.
Ito ang inihayag ni DCPO Spokesperson Maj. Rosario Aguilar sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Beifing nitong Miyerkules.
Ayon kay Aguilar na kukuning ang pondo mula sa kanilang isang araw na sahod kung saan magdedepende ang bawat halaga sa ranggo ng mga personahe.
Sinabi ng opisyal na ito ang kanilang kontribusyon upang nakatulong lalo na ngayon na magpapasko at kinakailangan ng mga ito ang ayuda upang makatawid sa pang araw araw na pamumuhay.
Awtomatiko umanong kukunin ng kanilang Finance Office ang nasabing ambag sa kanilang susnod na sweldo.
Facebook Conversations