
views
Bibida sa MAKA ang mahusay na grupo ng mga Gen Z actor, kabilang ang Sparkle stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, kasama ang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, Chanty Videla mula sa K-Pop group na Lapillus, at May Ann Basa na kilala rin bilang Bangus Girl.
Tampok sa nasabing serye ang mga hamon na kinakaharap ng Gen Z ngayon gayundin ang kanilang mga pakikipag-ugnayan sa iba pang henerasyon—mga millennial, Gen X, at boomer. Kuwento ito ng mga high school students na naka-enroll sa Arts & Performance (A&P) section ng pampublikong paaralan na Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA, sa ilalim ni Sir V, na ginampanan ng batikang aktor na si Romnick Sarmenta.
Successful bilang isang artist, bumalik si Sir V sa kanyang bayan at mabigat man sa kanyang loob ay tinanggap ang posisyon sa pagtuturo sa isang lokal na pampublikong paaralan - ang MAKA. Sa kanyang hindi inaasahang tungkulin, natuklasan niya na siya at ang kanyang mga mag-aaral ay marami pang dapat matutunan sa isa't isa.
Kasama ni Romnick ang kapwa alumni ng That’s Entertainment na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa. Kabilang din sa all-star cast ang beteranang aktres na si Carmen Soriano.
Sa direksyon ng best-selling author na si Rod Marmol, ang serye ay nagpapatuloy sa tradisyon ng GMA sa paggawa ng mga youth-oriented programming tulad ng mga iconic na palabas tulad na T.G.I.S. at Click.
Excited si Romnick na makatrabaho ang henerasyon ng young stars ngayon. “I enjoy getting to know more people, especially from that age group, kasi kaedad nila 'yung mga anak ko. It gives me an insight into how I can better understand my own children," pagbabahagi ni Romnick sa isang panayam sa GMANetwork.com. Dagdag pa niya, "It gives me the opportunity to learn more about their generation and their individual stories. Hopefully, I can share some of my own experiences that might be helpful to them."
Mapapanood ang MAKA tuwing Sabado simula ngayong September 21, 4:45 PM sa GMA at online sa pamamagitan ng Kapuso Stream. Mapapanood din ito ng mga Global Pinoy sa international channel na GMA Pinoy TV.
Manatiling nakatutok sa GMA Network (www.gmanetwork.com) at GMA Public Affairs sa social media para sa eksklusibong content at behind-the-scenes updates mula sa MAKA. #

Facebook Conversations