608
views
views
DAVAO CITY –Umabot na sa 39, 654 na residente ng bayan ng Santo Tomas sa Davao del Norte ang naka-kompleto na ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Sa pahayag ni Santo Tomas Municipal Information Officer Mart Sambalud, nasa 45.59 % ang nasabing bilang sa kanilng target na 86, 964 na indibidwal na maturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Sambalud na sa paglahok ng kanilang bayan sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan, umaasa sila na makamit ang kanilang target population.
Bukod sa Bayanihan Bakunahan, magpapatuloy din ang ang kanilang RESBAKuna sa Barangay para tugunan ang problema sa vaccine hesitancy ng ilang kababayan nito.
Dagdag ni Sambalud na kailangan nitong kumilos para ipaintindi sa mga constituents nito na ang bakuna ang susi para makabangon ang mundo mula sa pandemya at depensa na rin sa pinangangambahan na Omicron variant. (Armando Fenequito)
Facebook Conversations