P8.5 billion, inilaan ng Comelec para sa Barangay, SK elections sa Disyembre
P8.5 billion, inilaan ng Comelec para sa Barangay, SK elections sa Disyembre
Naglaan ng halagang P8.5 billion na pondo ang Commission on Elections (Comelec) para sa gaganaping Barangay at SK-Elections sa Disyembre 5 taong kasalukuyan.

Sinabi ni Comelec Spokesman Attorney John Rex Laudiangco, base ito sa updated Statement of Allotment Obligations and Balances na isinumite ni Attorney Martin Niedo, Director ng Comelec Finance Services Department.

Sa pinakahuling talaan ng Comelec, nasa 1,712,315 ang mga bagong botante na nagpa-rehistro.

Dagdag ni Laudiangco posibleng pumalo pa sa mahigit 2-milyon ang mga magpapa-rehistro sa pagsapit  ng deadline sa Hulyo 23,2022.

Batay  sa naging tantsa ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 73-million ang magiging botante sa taong 2023.

Photo from Comelec FB Page

What's your reaction?

Facebook Conversations