8 FOREIGN NATIONALS NA ALEGASYONG OPERATOR NG ILLEGAL POGO HUB SA DAVAO CITY, HULI
8 FOREIGN NATIONALS NA ALEGASYONG OPERATOR NG ILLEGAL POGO HUB SA DAVAO CITY, HULI
Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) 11 ang walong mga banyaga matapos sinalakay ng mga ito ang isang illegal POGO hub sa Montclair Highlands Subdivision, Buhangin, Davao City.

Kinasa ng NBI 11 ang operasyon matapos nakatanggap ng reklamo mula mismo sa Homeowners ng Subdivision dahil sa "suspicious activities" sa isang  residential property.

Batay sa report ng NBI, pawang mga Chinese citizens ang nahuling mga foreign nationals.

Nakuha sa loob ng bahay ang mga personal computers at mga mobile phones na sinasabing ginagamit sa gaming operations.

Nasa kustodiya na ng NBI Onse ang mga nahuling indibidwal. 

📹NBI 11

What's your reaction?

Facebook Conversations