2,685 residente sa Davao de Oro, nakabenepisyo sa People's Caravan ng NHA
2,685 residente sa Davao de Oro, nakabenepisyo sa People's Caravan ng NHA
Mahigit 2,685 residente ang direktang nakinabang sa "People's Caravan: Serbisyong Dala ay Pag-asa" na pinangunahan ng National Housing Authority (NHA) noong Hwebes, Septyembre 11, 2025 sa New Bataan, Davao de Oro.

Ang malawakang outreach program ay naaayon sa pangitain ni NHA General Manager Joeben A. Tai na pinalawak at isinagawa sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano. 

Layunin nito na tiyakin ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan ay maramdaman ng bawat benepisyaryo, lalong-lalo na sa mga resettlement site at karatig na komunidad. 

Naisagawa ang matagumpay na caravan sa pamamagitan ng pinagsanib-puwersa ng NHA Regional Office XI sa pangunguna ni Officer-In-Charge Engr. Shariffuddin I. Nami,  NHA District 2 Manager Gerold P. Namoc at New Bataan LGU sa pangunguna ni Mayor Mar Bianca Cualing Brua.

Kumpletong Serbisyo, Mula alas-8:00 ng umaga Hanggang alas-9:00 ng gabi, ang caravan ay naging isang masaganang "one-stop-shop" ng mga serbisyo ng gobyerno. 

Kabilang sa mga naibigay na ayuda at serbisyo ay: 

· Kalusugan: Libreng konsultasyon medikal at dental at pamimigay ng gamot mula sa DOH at PNP. 

· Kabuhayan: Job Fair, skills training at seminar mula sa TESDA, at suporta mula sa DTI at BFAR. 

· Benepisyo at Tulong Pinansyal: Serbisyo mula sa SSS, Pag-IBIG Fund, PhilHealth, OWWA, DSWD, CHED, DOST, DICT at DOLE. 

· Legal at Civil Registry: Libreng notaryo at legal consultation ng PAO, pagkuha ng NBI Clearance, at serbisyo ng PSA para sa birth certificate at iba pang dokumento. 

· Iba Pang Esensyal na Serbisyo: Pagkuha at renewal ng driver's license sa tulong ng LTO. 

. Libreng gupit mula sa AFP. 

Dalawampu't Apat na Ahensya: Isang Diwa ng Bayanihan 

Ang pagkakaisa ng dalawampu't apat (24) na mga ahensya ng gobyerno at anim (6) na pribadong sektor ang tunay na puso ng caravan, na nagpamalas ng diwa ng Bayanihan at Serbisyong Totoo. Sama-samang nagkaisa upang direktang maabot ang mga stakeholder sa kanilang mga komunidad. 

Kabilang sa mga naging bahagi ay: 

· National Government Agencies: LTO, PSA, BFAR, DA, DSWD, PNP, AFP, DOH, TESDA, DSHUD, HDMF/Pag-Ibig, DTI, SSS, PESO, PHILHEALTH, PAO, NBI, DMW at OWWA. 

· Davao de Oro Provincial Government at ang New Bataan LGU.

· Private Sector: Paramount, J&T Express, Pex Mining Company, Ibex Davao, 3ME Manpower Services at Toyota Tagum. 

Ang People's Caravan ay higit pa sa isang outreach program; ito ay isang makabuluhang hakbang tungo sa mas inklusibo at nararamdamang serbisyo publiko para sa mga komunidad ng Davao de Oro. 

What's your reaction?

Facebook Conversations