
250
views
views
Nanawagan si Vice Presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang mga taga-suporta na huwag isabit o ikabit sa punongkahoy ang mga posters o banners nito.
Naglabas ng pahayag si Duterte sa kanyang official Facebook page ng alkalde, hiningil dito matapos makita nito na naka-kabit sa puno ang ilan sa mga banners nito.
Kaya, nanawagan ito na tanggalin ang nasabing banners sa mga puno at ilipat sa designated areas
Ayon kay Duterte na "nasasaktan ang mga puno" at ayaw nitong magalit ito sa kanya.
Dagdag ng alkalde na ipinanukala niya noong siya'y bise alkalde pa ng lungsod ang pagbabawal sa pagkabit ng banners sa mga punongkahoy.
Giit nito na dapat mahalin ang mga puno ng Pilipinas.

Photo from Mayor Inday Sara Duterte Facebook Page
Facebook Conversations