Seguridad para sa gaganaping Bar Exam sa Dava City, kasado na
Seguridad para sa gaganaping  Bar Exam sa Dava City, kasado na
DAVAO CITY - Kasado na ang seguridad na ipapatupad ng Davao City Police Office (DCPO) para Bar Exam na sa unang pagkakataon ay gaganapin dito sa lungsod.

Sa isang panayam, sinabi ni DCPO Spokesperson Maj. Teresita Gaspan na mahigpit nitong babantayan ang paligid ng Ateneo de Davao University - Senior High School Campus.

Ayon kay Gaspan na magpapakalat sila ng mga personahe maging sa kalapit na lugar sa nasabing paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga barista.

Nasa 149 na mga personahe ang ilalagay sa paligid ng examination center kung saan kinabibilangan ito ng kapulisan ng DCPO, Bureau of Fire Protection, City Traffic and Transport Management Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pa.

Simuala ngayong alas 7 ngayong Gabi (Feb. 3), magsisimula na ang deployment ng security forces na magtatagal hanggang Linggo ng Gabi (Feb.6).

What's your reaction?

Facebook Conversations