767
views
views
DAVAO CITY – Magbibigay ng Valentine's Leave at allowance ang pamunuan ng bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental para sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan na single ngayong darating na Araw ng mga Puso.
Sa Facebook post ni Jose Abad Santos Municipal Mayor Jason John Joyce, bibigyang pagkakataon niya ang mga empleyado ng munisipyo na makipag-date ngayong Pebrero 14 at makakatanggap pa ito ng P2,000 date allowance.
Pero, ayon sa alkalde na dapat may patunay muna itong maipakita gaya ng chat o text message, hindi pa nito syota ang makaka-date at wala ring asawa.
Kailangan din na magpakita ng larawan sa pagbabalik trabaho nito sa Pebrero 15 na may ka-date ito, dahil kung wala ay ibabalik ang pera na ibinigay sa kanila.
Kaya hinikayat ni Joyce na gamitin ang natitirang araw na makapaghanap ng ka-date bago pa man dumating ang Valentine's Day.
Photo from Mayor Jason John Joyce Facebook Page
Facebook Conversations