813
views
views
DAVAO CITY – Nagbabala ngayon sa publiko ang Mati City Health Office sa Davao Oriental hinggil sa pagtaas ng kaso ng dengue sa kanilang lungsod kung saan ilan dito ay nahawaan din ng COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Mati City Health Officer Dr. Ben Hur Catbagan Jr., na Enero nitong taon, umabot na sa 29 ang nagka-dengue kung saan lima dito ay kumpirmado na infected ng COVID-19 at isa dito ang namatay.
Ayon kay Catbagan nasa siyam na barangay ang apektado ng tumataas na kaso ng dengue sa kanilang lungsod.
Kaya muli itong nanawagan sa publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at gibain ang mga sulok at lugar kung saan madalas nangingitlog ang mga lamok na carrier ng dengue.
Hinikayat din nito ang mga residente na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center, clinic o hospital kung aabot na sa dalawang araw ang iniindang lagnat para sa agarang diagnosis at mabigyan ng karampatang lunas.
Facebook Conversations