521
views
views
DAVAO CITY – Nakatanggap ng P4.3 million na halaga ng black shoes at sanitizers ang Department of Social Welfare and Development 11 (DSWD 11) mula sa SM Foundation para ipamahagi sa iba't - ibang komunidad sa Davao Region.
Nasa kabuohang 12,503 na bagong pares ng sapatos at 1,826 bote ng sanitizers ang ibinigay ng SM City Davao, SM Lanang Premier, at SM Store sa DSWD 11 bilang bahagi ng Operation Tulong Express (OPTE) program ng SM Foundation.
Sa isang pahayag, sinabi ni SM City Davao manager Lester R. Tantoco na ito ang kanilang paraan na pagbabalik nito sa komunidad.
Nagpasalamat naman si DSWD 11 assistant regional director for administration Merlinda Paragamac sa SM Foundation dahil malaking tulong ang ibinigay nila para sa ilang mga nangangailangan nito.
Photo from SM DAVAO
Facebook Conversations