
views
Sa isa pahayag sinabi ni EastMinCom commander Lt. Gen. Greg Almerol unti-unti ng nawawala ang mga haligi ng kilusan dahil marami na ang mga sumuko at ang iba ay namatay sa mga operasyon ng kasundaluhan.
Nitong nakaraan lang ay sumuko na sa tropa ng 73rd Infantry Battalion ang Executive Committee (EXECOM) at Vice Commanding Officer ng Far South Mindanao Region (FSMR) na si Remydio Sambilad kasama ang iba pang sakop nito sa bayan ng Maasim, Sarangani Province.
Ayon kay Almerol na na ang desisyon ni Sambilad at ng kanyang mga miyembero na sumuko ay magiging daan para maabot nito ang minimithing kapayapaan sa bansa.
Dagdag ng opisyal na bukod sa paghina ng hanay ng kanilang pwersa dahil sa mga sumuko at namatay na mga lider, nawalan na rin ng suporta ang mga armado sa mga komunidad na dati nitong naiimpluwensyahan dahil sa mga proyekto ng gobyerno na umaabot na sa kanayunan.
Kaya, muling nanawagan si Almerol sa lahat ng mga natitira pang mga miyembro ng NPA na magbalik loob na lang sa gobyerno at tutulungan ito ng kasundaluhan na makapag-bagong buhay.

Photo from EastMinCom
Facebook Conversations