Personahe ng Central 911 mananatili sa mga lugar na tinamaan ni Bagyong Odette
Personahe ng Central 911 mananatili sa mga lugar na tinamaan ni Bagyong Odette
DAVAO CITY –Mananatili umano ang mga personahe ng Central 911 na ipinadala sa mga lugar na tinamaan ni Bagyong Odette hanggang sa maibalik sa normal ang kalagayan dito.

Ito ang inihayag ni Public Safety and Security Command Center Chief Angel Sumagaysay sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Beifing.


Inihayag ni Sumagaysay na kasama sa ipinadala sa mga tinamaang lugar gaya ng Surigao at Bohol ang mga rescue units, heavey equipment maging mga nurse at doktor mula sa Southern Philippines Medical Center.


Ayon sa opisyal, na magdedepende din sa pangangailangan sa nasabing mga lugar ang pananatili ng kanilang mga personahe doon. 


 Dagdag nito, tumutulong ang mga heavy equipment sa road clearing operations sa pamahalaang lokal na hinagip ng bagyo upang madaanan ang mga highways nito.

What's your reaction?

Facebook Conversations