BABALA NG SEC DAVAO TUNGKOL SA ADVANCE FEE SCAM

Pinaalalahanan at nagbabala ang Securities and Exchange Commission-Davao Extension Office (SEC Davao) sa publiko dahil sa pagtaas ng mga reklamo tungkol sa advance fee loan scam.

Sa scheme na ito, nagpapanggap ang mga scammer bilang mga kinatawan umano ng mga lehitimong lending companies.

"Noong nakalipas na taon, ang scheme na ginagamit ay ang pagkolekta ng isang advance fee bago ang pagpapalabas ng halagang pautang. Ngayon, ang mga biktima ay pinapaniwalaan na sila ay naaprubahan para umutang at binibigyan ng pekeng bank deposit slip na ipinapakita ang halagang pautang. Pagkatapos, sinasabihan ang mga biktima na ang deposito ay naipadala sa maling account number at pinipilit silang maglipat ng halaga ng pera upang ituwid ang inaakalang pagkakamali," ayon kay Atty. Katrina Ponco-Estares, Direktor ng SEC Davao.

Naaalala na noong Nobyembre 29, 2022, Oktubre 18, 2023, at kamakailan lang noong Enero 26 ng taong ito, naglabas ang Komisyon ng mga babala hinggil sa advance fee scam.

"Ang SEC Davao ay nagpapaalala sa publiko na ang mga lehitimong kumpanyang nagpapautang ay hindi humihingi ng advance fee o bayad para sa mga maling transaksyon. Inuudyukan namin ang mga biktima na ireport ang mga panlolokong ito sa mga Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI)," dagdag ni Estares.

Ang mga gumagawa ng mga panlolokong ito ay lumalabag sa Article 315 ng Swindling (estafa) ng Revised Penal Code (RPC) ng Pilipinas.

Upang ireport ang pinaghihinalaang advance fee scam, mangyaring makipag-ugnayan sa SEC Davao sa 0933-455-3547 o mag-email sa secdavao@gmail.com.