ADDU, 18 pang Unibersidad, nakapagtala ng 100% passing rate sa Nursing Licensure Examination

Inilabas na ng Philippine Regulatory Commission (PRC) ang resulta ng katatapos lamang na Nursing Licensure Examination kung saan pumalo sa 18, 529 ang mga bagong lisensyado na nurse sa buong bansa.

Batay sa resulta na ito, nasa 74.40% ng 24,903 na mga kumuha ng pagsusulit ang nakapasa. 

Nag-Top 1 si Abegail Garganta Ramirez ng St. Paul University ng Dumaguete City kung saan nakakuha siya ng 90% na passing grade. 

Sa mahigit 18,000 na mga nakapasa na mga bagong Nurse, labing siyam naman ng mga Unibersidad sa bansa ang nakakuha ng 100% passing rate. 

Ito ay kinabibilangan ng Ateneo de Davao University, St. Louis University ng Baguio City, University of Sto. Tomas, Cebu University, Xavier University, Velez College, West Visayas University sa La Paz, Mindanao University - Iligan Institute of Technology, Benguet State University - La Trinidad, Diliman University at Trinity University of Asia sa Quezon City. 

100% passing rate din ang nakuha ng Chinese General Hospital Colleges, Bicol University - TABACO Albay, CEBU Normal University, Centro Escolar University - Makati, Bicol University-Polangui, Visayas State University sa Baybay Leyte, Ateneo de Naga University, at St. Paul University Dumaguete City.