Batay sa ulat ng Phivolcs, magnitude 5.7 ang nangyaring lindol na naramdaman din sa iba pang lugar sa Mindanao.
Natunton ang epicenter ng pagyanig sa layong 173 kilometer sa bahagi ng Timog-Silangan ng munisipalidad ng Tarragona.
May lalim na 27 kilometro ang pinagmulan nito at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang intensity 3 sa Tarragona,Davao Oriental, intensity 2 sa Davao City,Mati City, Manay at San Isidro,Davao Oriental, at intensity 1 sa Banaybanay ,Davao Oriental.
Naramdaman din ang Instrumental intensities sa Malungon,Sarangani ,Nabunturan,Davao deOro,Alabel, Sarangani,Koronadal City, at General Santos City,South Cotabato at Davao City.
Ayon sa Phivolcs, walang naiulat na pinsala pero aasahan pa umano ang mga aftershocks sa lugar.
Photo from Phivolcs