Batay sa pahayag ni Maguindanao Provincial Police Office (PPO) Public Information Office Chief Police Major Reggie Albellera, nasawi sa insidente si Samson, at ang driver ng police mobile na si Corporal Salipuden Talipasan Endab, habang sugatan ang tatlong pulis na kasama sa likuran ng sasakyan.
Sinasabing magsisilbi sana ng arrest warrant si Samson sa isang notorious na personalidad nang maganap ang insidente.
Mariin namang kinondena ni Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Police Brigadier General John Gano Guyguyon ang insidente.
Pinuri ni Guyguyon si Samson at ang mga kasamang pulis sa kanilang dedikasyon sa trabaho na walang-takot na isilbi ang lahat ng mga outstanding warrant, alinsunod sa naging kautusan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.
Tiniyak naman ni Guyguyon na ipagkakaloob ng PNP ang lahat ng karampatang tulong at benepisyo para mga sugatang pulis at sa mga naulila ng dalawang pulis na nasawi sa insidente.
Larawan mula sa PRO-BAR