PNP, may halos isang bilyong pisong mga bagong kagamitan

Iprinisenta ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang P969 million halaga ng bagong kagamitan ng PNP sa Camp Crame ngayong Biyernes (Agosto 26).

Sinabi ni Azurin na ang mga bagong gamit ay makapagpapalakas sa kampanya ng Kapulisan kontra sa ilegal na droga, kriminalidad, insurhensya at terorismo. 

Ang mga kagamitang ito ay kinabibilangan ng  10 4x2 Patrol Jeep, 36 na 4x4 Personnel Carrier, 8,358 na 9mm Striker Fired Pistol, 8,500 na 5.56mm Basic Assault Rifle, 34 na 7.62mm Light Machine Gun, 4,900 na 5.56mm Basic Assault Rifle, 884 na Tablet Computer at 2,005 na Enhance Combat Helmet.

Ani Azurin ang mga bagong sasakyan at tablet computers ay ipapamahagi sa iba’t ibang municipal police stations sa buong bansa habang ang mga baril naman ay gagamitin ng mga PNP recruits, PNPA cadets, PNP Maritime Group, at Regional Mobile forces at battalion.

Larawan mula sa PNP