Pinaaalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat at mapagmatyag may kaugnayan sa mga naglipanang mensahe lalo na sa Social Media hinggil sa organ trafficking.
Tiniyak ng DOH na walang ospital, mga health center o maging medical facilities ang malisyosong gumagawa nito.
Sinabi ng ahensya, tanging ginagawa ng mga pasilidad na ito ay ang ligtas, boluntaryo at ligal na paraan ng organ donation.
Nanawagan pa ng tulong ang kagawaran sa publiko at maging sa media na tulungan sila upang matigil ang pagpapakalat ng mga maling balita o impormasyon patungkol sa organ donation na di umano'y nagdudulot ng pinsala sa kalusugan.