Red Tide warning, nakataas pa rin sa 3 lugar sa Visayas, Mindanao

Apektado pa rin ng paralytic shellfish poison o toxic red tide ang tatlong baybayin sa bansa na nauna nang naitala mula sa huling bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Batay sa Shellfish Bulletin No. 15 ng BFAR, sakop ng shellfish ban ang

mga coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Damanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; at ang Lianga Bay sa Surigao del Sur

Patuloy pa ring pinag-iingat ng BFAR ang mga tao sa paghango at pagkain ng mga shellfish at alamang mula sa mga lugar na apektado ng red tide.

Ligtas naman mula sa banta ng toxic red tide ang karamihan ng mga baybayin sa buong bansa.

Bagaman sinabi ng BFAR  na ligtas  kainin ang mga huling isda, hipon, at alimango, sisiguraduhin lamang na ito ay sariwa, nahugasang maigi, at natanggalan ng mga lamang-loob bago lutuin.