Aminado rin si Vergeire na kailanganang isang batas, bago maging obligado ang lahat na magpaturok ng bakuna.
Anya, voluntary pa rin kasi ang pagbabakuna hanggang sa ngayon, dahil sa Emergency Use Authorization pa lamang ang naibigay para magamit ang bakuna.
Huling baraha lamang anya ng gobyerno ang pagiging mandatory vaccination, para maitaas ang vaccination rate, at ma-obliga na ang lahat ng kwalipikado na mabigyan ng dagdag proteksyon, laban sa COVID-19.