Sa ilalim ng administrasyong Evangelista naitatag ang DTI-Negosyo Center kung saan umusad ang programang Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay sa bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte.Layon ng Livehood Seeding Program Negosyo Serbisyo sa Barangay na makatulong sa bawat sektor sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Livelihood kits.
Ginanap ang paggawad ng Livelihood kits sa Pavilion sa loob ng Municipal Recreation and Cultural Center na dinaluhan ni Mayor Ernesto Evangelista, Punong Barangay Armando Torres ng Baranagay New Katipunan, at Business Development Division of DTI Division Chief Rose Marie Deypalubos.
Ang livelihood kits na ipinamahagi ay naglalaman ng iba’t-ibang kagamitan para sa sari-sari store, welding shop, karenderya,at mga kagamitan para sa pagtayo ng negosyong kakanin at manukan upang makatulong sa kanilang pagsisimulang muli sa kanilang mga kabuhayan.
Dagdag dito, sa mensahe ni Mayor Evangelista, patuloy na hahanap ng mga resource ang kanyang administrasyon para maraming Tomasino ang matulungon lalung-lalo na ang mga negosyante mula sa iba’t-ibang barangay na matukoy ng DTI.
Sa kasalukuyan ay daan-daang benepisyaryo sa bayan ng Santo Tomas ang napagkalooban na ng livelihood kits.
Laking pasasalamat naman ni Mayor Evangelista sa DTI-Davao del Norte sa lahat ng suportang ibinigay nito sa kanyang administrasyon lalo na ang pamamahagi ng livelihood starter kits, pagbibigay ng mga training sa mga SMEs sa bayan ng Santo Tomas.
Ayon kay Evangelista, dahil umano sa DTI, patuloy ang pag-usad ng programang AksyonSaKabuhayan sa kabila ng pandemya.
Larawan mula sa Santo Tomas MIO