Ito ang inihayag Eastern Mindanao Command (EastMinCom) commander Lt. General Greg Almerol sa isang press conference.
Ayon kay Almerol na ang SRC 5 ang may malakas na pwersa kung saan ito ang bumabandera sa bawat atake ng SMRC sa Southern Mindanao.
Paglalahad ng opisyal na ang SRC 5 ang nanguna sa pagtatayo ng Salugpungan Schools na umanoy naging recruitment sa mga batang Lumad na maging armado.
Sa ngayon, ang natitirang unit na lang ng SMRC ay ang mga humihinang pwersa na Guerilla Front 2 at 3.
Inaasahan naman ng opisyal na mabubuwag din ang mga natirang unit ng NPA sa mga susunod na buwan dahil hindi titigil ang kasundaluhan sa kanilang operasyon.
Photo from 3rd Infantry Battalion