23 consular offices ng DFA sa buong bansa, nagsara dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Dumami pa ang bilang ng consular offices sa bansa na isinara matapos tamaan ng COVID-19 ang maraming personnel mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

23 tanggapan kabilang ang temporary off-site passport services ng DFA ang apektado ng pagsasara hanggang sa January 20,2022.

Kabilang sa mga apektado ang consular offices sa La Union, National Capital Region East, NCR North, Aseana Business Park, Antipolo, Iloilo, Lucena, Malolos, San Pablo, Baguio at Dasmarinas.

Sinabi ni  DFA Undersecretary Brigido Dulay, magkakaroon ng skeletal teams sa lahat ng sites kung saan tanging emergency cases ang ipoproseso.

Ipinaliwanag ni Dulay na kanilang ipinatutupad ang back-end operations sa lahat ng mga  tauhan nito habang naka-isolate.

Dahil dito inabisuhan ng ahensya  ang mga aplikante na direktang makipag-ugnayan sa Consular Office kung saan nag-file gamit ang contact details sa website o sa pamamagitan ng telepono.