Durian Export Processing Facility sa Davao City, ibinida ng Chinese Embassy

Ibinida ng Chinese Embassy ang isang durian export processing factory sa Barangay Ula, Tugbok District, Davao City sa pamamagitan ng inorganisa nitong media tour noong Huwebes, Oktobre 30,2025.

Ipinakita ng mga kawani ng durian factory kung paano ang proseso ng paghahanda hanggang sa pag-eempake ng durian bago ito i-export sa bansang China.

Aabot sa 50 tons ng durian ang kayang i-proseso at ini-export SA China kada araw.

Naging produktibo din ang naganap na dayalogo sa pagitan ng ilang miyembro ng media, Davao Durian Farmers Association, mga opisyal ng Chinese embassy sa pangunguna ni Davao City Chinese Consul General Zhao Xiuzhen at mga personahe ng Maylong Enterprises facility.

Napag-alaman na ang Maylong Enterprises ay naka-pag-export na ng 12,968.40 kilo ng durian sa Foshan City, Guangdong, China.

Samantala, nagpaabot naman ng kanilang pasasalamat ang durian farmers association sa Tugbok District dahil sa ipinagkaloob na P1 million na pautang na walang interes mula sa isang Chinese investor.

Ayon sa kanila, malaking tulong ito upang mapalago ang kanilang negosyo at makapag-produce ng dekalidad na produkto.

📸:Edith IsidroÂ