Ayon pa sa DOH, maaari kasing magdulot ito ng aerosolized transmission, o pagkalat ng COVID-19 virus sa mga pinagsasaluhang hangin.
Sinabi ng ahensya na sa paghipan ng torotot ay kasama sa ibinubuga ang respiratory droplets na posibleng may dalang virus.
Kapag dumami anya ang mga torotot sa indoor-setting o kulob na lugar ay posibleng manatili sa ere ng mas matagal ang respiratory droplets, hanggang malanghap ito ng ibang tao.
Ayon sa DOH, marami namang pwedeng gamitin bilang alternatibo sa torotot tulad na lang ng beat drums, blow car horns o di kaya ay paggamit ng ibat-ibang household items para pampa-ingay sa pagsalubong ng bagong taon.
Larawan: EcoWaste Coalition