Ito ang sinabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ayon sa kanya ay hanggang Disyembre 31 nitong taon na lang ang araw-araw na pagpo-post o paglalabas nila ng daily case bulletin at COVID-19 situation report kada alas-4 ng hapon.
Lahad pa ng opisyal, simula sa Enero, kung gugustuhin ng publiko na makita ang huling tala o lahat ng datos kaugnay sa COVID- 19, maaring bumisita lamang ito sa COVID-19 public tracker ng DOH sa DOH.gov.ph/covid-19 Tracker.
Napag-alaman na ang naturang public tracker ay operational na mula ng magsimula ang pandemya, na kung saan naglalaman ito ng lahat ng impormasyon na ibinibigay sa case bulletin.
Layunin ng hakbang na ito ay upang ma-stream-line ang komunikasyon sa publiko, at hindi na ilalabas bilang hiwalay na social-media card at PDF files.
Gayunpaman, tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang DOH sa pagbibigay ng pinaka-huling impormasyon ukol sa sitwasyon ng COVID- 19 sa buong bansa.