Pondo ng ilang mga government projects, apektado dahil sa P10-B ‘recovery efforts’ ng mga lugar na binagyo

Inanunsyo mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbawas ng pondo ang ilang proyekto ng pamahalaan para maidagdag sa pagbangon ng mga lugar sa Visayas at Mindanao na winasak ng bagyong Odette.

Nais ng Pangulo na mapondohan ng P10 billion ang recovery, rehabilitation, at relief efforts ng pamahalaan sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao na pinadapa ng nagdaang bagyo.

Ayon sa Pangulo, maliban sa pagbabawas ng budget sa ilang government projects, ilang mga proyekto din ang pansamantala munang inihinto.

Isa na dito ayon sa pangulo ay ang pagtigil muna ng suplay ng construction materials.

Matatandaan na unang inihayag ng Department  of Budget and Management (DBM)  na may mapagkukunan na ng P4 billion, subalit ang P6 billion para makompleto  ang kailangang P10 billion ay huhugutin sa 2022 national budget.

Larawan: Sen. Bong Go