Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Elections (COMELEC) na gumawa ng mga pamamaraan para sa mga patakarang dapat na mailatag kaugnay ng inaasahang pangangampanya ng mga tatakbo sa nalalapit na eleksiyon habang may presensiya pa ng pandemya.
Ayon sa Pangulo na maaaring determinahin ng COMELEC ang mga lugar kung saan maaaring gawin ang pangangampanya na may limitadong attenance.
Anya, kailangan aniyang bigyan ng espasyo ang mga kandidato at pagkakataon na makapangampanya gayung mahirap naman aniyang magkaroon ng eleksyon nang walang mangyayaring pangangampaniya.
Sinabi ng Pangulo, ang problema umano dito ay kung papayagan ang assembly o pagtitipon- tipon gayung hindi naman uubrang tatayo lang sa isang sulok ang isang kandidato at duon isisigaw ang kanyang plataporma.
Ayon kay Presidente Duterte, may mga tumatakbong kandidato ang hindi kakayanin ang bigat ng pagbabayad ng mga TV exposure.(By Ruth Palo)