Sinabi ni BOC-Zamboanga district collector, Segundo Sigmundfreud Barte Jr., ang mahigit sa walong libong reams ng iligal na sigarilyo ay nasamsam ng mga awtoridad mula sa inilunsad na magkakahiwalay na anti-smuggling operations sa Zamboanga at kalapit na mga probinsya ng Basilan, Sulu at Tawi-tawi mula Mayo hanggang Nobyembre ngayong taon.
Ayon kay Barte, ang pagwasak umano ng mga kontrabando ay magsisilbing babala sa mga smugglers na seryoso ang pamahalan sa patuloy na kampanya kontro smuggling sa bansa.
Pinasalamatan rin nito ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Philippine Coast Guard, at militar sa kooperasyon para sa Anti- Smuggling Campaign ng BOC.
Larawan: BOC Zamboanga