Nitong araw (Disyembre 15), naglabas ng Executive Order si Santo Tomas Mayor Ernesto Evangelista kung saan naka-activate na ang Incident Command System ng kanilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Inalerto na rin ng alkalde ang Emergency Operations Center nito kasama ang 19 na mga barangay sa kanilang bayan para magbantay dahil inaasahan ang matinding buhos na idudulot ni Odette.
Naka-antabay naman lahat ng disaster equipment at maging supply ng pagkain at gamot sakaling magkaroon ng evacuation operations.