Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tututukan ng gobyerno ang mga Rehiyon na may mababang antas ng bakunahan.
Kabilang sa mga rehiyon na may mababang rollout ng bakunahan ay ang mga lugar na nasa Region-3, 4-A, Regions 6 at 7 gayundin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Muling umapela ang DOH sa mga kwalipikadong indibidwal na mag-volunteer, para makatulong na mapa-bilis ang pagbabakuna sa buong bansa ngayong Miyerkules hanggang Biyernes.