Kinumpirma ng tagapagsalita nh MCIA Mary Ann Dimabayao, na ligtas naman ang lahat na 34 na pasahero at crew ng PAL Flight PR236.
Lumapag ito kaninang 11:40 ng umaga mula Caticlan Airport ng sumadsad ito palabas ng runway at napunta sa madamong bahagi nito.
Nagresulta sa pagka-antala ang nasa di bababa sa 30 mga flights palabas at papasok ng MCIA.
Muling binuksan ang runway pagkalipas ng mahigit tatlong oras.
Larawan: Wikimedia Commons