Sugatan sa kanyang hita si Police Major General Rolando Hinanay, ang hepe ng Directorate for Personnel Records and Management (DPRM) ng pambansang pulisya matapos kanyang aksidenteng mabaril ang sarili.
Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) na nakarating Sa Camp Crame, nangyari ang insidente kahapon ng 10:45 ng umaga (Nobyembre 7) sa QCPD firing Range sa Camp Karingal, Quezon City.
Ayon kay Police Captain Eric Aliño, ang Range Master sa QCPD Firing Range, sinHinanay ay nagtungo sa QCPD para sa naka-schedule na “Proficiency Practice shooting” kahapon kasama ang kaniyang Pamilya kasabay ng Birthday ng kaniyang Anak.
Habang inaalalayan ng Range Assistant na si Ronnel Alcones si Hinanay sa “draw and fire”, isinuksok ng biktima ang kaniyang baril sa quick-draw Holster at dito ay aksidenteng pumutok at tinamaan ang kaniyang kanang Hita.
Agad namang isinugod sa St. Luke’s Medical Center ng mga tauhan ng District Medical and Dental Team si Hinanay. (By RuthPalo)