Bilang ng nabakunahan sa 2 araw na Bayanihan Bakunahan sa Davao City, umabot lang sa 51,500

DAVAO CITY – Inihayag ni COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser na nasa 51,500 lang na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 sa nakalipas dalawang araw na pagsasagawa ng Bayanihan Bakunahan sa lungsod.

Aminado si Schlosser sa panayam nito sa Davao City Disaster Radio (Disyembre 1), na mababa ito sa kanilang target na 47,000 ka tao kada araw. 

Ayon sa opisyal na pinaghandaang mabuti ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor ang nasabing aktibidad lalo na sa aspeto ng vaccine supplies, logistics, human resources para maabot ang target nito. 

Sinabi ni Schlosser na sa kabila ng nasabing kahandaan, hindi pa rin maiiwasan na hindi makikiisa ang mga tao dahil na rin sa vaccine hesitancy. 

Pero, puspusan pa rin ang kanilang panghihikayat ngayong araw sa mga tao na magpabakuna kung saan target na nitong aabot sa 100,000 na mga indibidwal na mabakunahan sa nasabing aktibidad. (Armando Fenequito) 

Larawan ni Armando Fenequito