Davao City , binabakunahan ang mga indibidwal na mula sa ibang lugar

DAVAO CITY –Inilahad ni COVID-19 Task Force Vaccination Cluster head Dr Josephine Villafuerte na may mga indibidwal mula sa ibang lugar sa Mindanao na nababakunahan kontra COVID-19 dito sa lungsod.

Sa panayam kay Villafuerte sinabi nito na may mga pumupunta sa mga vaccination centers na hindi residente ng lungsod para magpabakuna.

Ayon sa opisyal na binibigyan na lang din ito ng mga vaccination hubs nila dahil ayaw nitong masayang ang pagod sa pagpunta dito.

Dagdag ni Villafuerte na mayroon naman silang mga records nito pero hindi nila ito sinasali sa kanilang tally na mga nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 sa Davao City.

Paliwanag nito na tanging mga residente lang ng lungsod ang kasali sa bilang na kanilang inilalabas na nabakunahan. (Armando Fenequito)