Sa panayam kay DOH 11 assistant regional director Dr. Lenny Joy Rivera na wala pang local government units sa rehiyon na nakakuha na ng kanilang target population na maturukan ng bakuna.
Ayon kay Rivera susuyurin umano ng pamahalaan ang lahat ng lugar na ito na kung maari ay makompleto na nasabing target.
Sinabi ng opisyal na nasa 52 percent pa ang buong Davao Region sa target nito na mabakunahan pero positibo ito na maabot ito bago matapos ang taon.
Kaya, target ng DOH na makabakuna ng sobra 700,000 na mga indibidwal sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan upang makamit herd immunity sa bawat lokalidad. (Armando Fenequito)
DOH 11 assistant regional director Dr. Lenny Joy Rivera. (Armando Fenequito)