Sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na dahil full alert, 85 porsyento ng kanilang pwersa ang idedeploy para sa seguridad sa darating na apat na araw na long-weekend mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1.
Ayon kay Azurin, magtatatag ng mga Police assistance desks sa mga transportation hubs at places of convergence tulad ng mga sementeryo.
Bukod dito may mga mobile checkpoints at motorist assistance teams din para sa mga bibiyahe patungong mga lalawigan.
Ani Azurin, maliban sa pagpapatupad ng seguridad, magiging aktibo ding imo-monitor ng mga kapulisan ang pagsunod sa health protocols.
Samantala, sinabi ni Azurin na wala silang natatanggap na mga ulat o namonitor na banta sa seguridad ng bansa lalo na sa papalapit na umdas.
Subalit, patuloy na pinag-iingat ni Azurin ang publiko na kung aalis ng bahay, kailangang may mga kaukulang pag-iingat tulad ng pag-bibilin sa barangay o sa kapitbahay, para maiiwasan na mapagsamantalahan ito ng mga masasamang elemento.
NF Photo