Sa virtual presser ng PDDS ngayong araw (Nobyembre 26), sinabi ni Belgica na siya ring Presidential Adviser for Religious Affairs, ang paglalahad ng senador sa kanyang saloobin ay pagpapakita umano na hindi siya atat na mapunta sa pinakamataas na posisyon.
Ayon kay Belgica, hindi umano trapo o traditional politician si Go bagay na hindi ito sanay sa batuhan ng putik sa politika at natural lamang na maging emosyonal ito.
Dagdag ni Belgica, mismong si Pangulong Duterte ang pumili kay Go na maging presidential candidate kaya’t susuportahan ito ng partido.
Bukod sa mataas na IQ, taglay din umano ng mambabatas ang kakayanan para ipagpatuloy ang mga nasimulan at adhikain ni Pangulong Duterte.
Inamin nito na orihinal sana nilang gusto ay ang presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na siya ring kahilingan sana ng presidente.
Tiniyak naman ni Belgic na makaka-asa ng suporta mula sa PDDS ang alkalde sa kanyang vice presidential bid kahit pa sa ibang partido ito kasapi.
Kinumpirma ni Belgica na isang resolusyon ang binabalangkas ng PDDS upang pormal na i-adopt ang senatorial slate ng PDP-LABAN-Cusi wing.