Bahagi ng UniTeam Alliance ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Lakas-Christian Muslim Democrat (Lakas-CMD) kung saan chair si Davao City Mayor Sara Durerte-Carpio, Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na partido ni dating Senador Bongbong Marcos at, Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) na pinamumunuan naman ni dating Senator Jinggoy Estrada.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng pangulo ng LAKAS-CMD at House Majority Leader Martin Romualdez, nagkaisa umano ang apat na partido na suportahan ang dalawang kandidatong magdadala ng positibong pagbabago para sa bansa.
Dagdag ng opisyal simula pa lamang umano ito ng pakikipag-alyansa sa iba pang national at regional parties.
Ang naturang mga partido ay magbibigay “full at unqualified” support para sa tambalang Marcos at Duterte-Carpio.
Batay sa nilagdaang kasunduan, bawat partido ay maaaring mag endorso o mag nominate ng isang senador sa kanilang line up.
Tiniyak naman ni Romualdez na mangunguna sa senatorial slate ng UniTeam si Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagaman hindi nakadalo ng personal si Sara sa naturang pagtitipon, pero nagbigay naman ito ng makahulugang mensahe sa pamamagitan ng video.
Giit ng alkalde, pinatunayan ng kanilang alyansa na anoman ang pagkakaiba sa politikal na paniniwala ay maaaring magkaisa para sa pagpapatuloy ng pagpapaunlad sa bansa.