Ayon sa mga medical advisers maituturing na ligtas na polisiya ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na para lamang sa mga fully vaccinated ipahintulot na kumain sa loob ng isang restaurant lalo't ito ay enclosed.
Sa panig ni NTF-COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, sinabi nito na para na rin kasi ito sa proteksiyon ng iba pang mga Kliyente.
Naniniwala si Herbosa na sa naturang polisiya, maiiwasan na magkaruon ng infection partikular na sa hanay ng mga hindi pa bakunado.
Binigyang diin nito na baka magkaroon ng hawaan sa sandaling magtanggal ng mask ang isang indibidwal para kumain, ay baka hindi maiwasang mag-uusap at dito na papasok ang peligro para sa hindi pa bakunado.
Ganunpaman ani ni Herbosa, maraming pang mga kainan ang may open air set up para sa mga hindi bakunado kaya maaari pa ring maka-dine-in.