Ito ang kaparusahang ipapataw sa sinumang hindi tatalima o lalabag sa mga paghihigpit sa pangangampanya, ngayong panahon ng pandemya.
Sa inilabas na Comelec resolution no. 10730 na binuo nitong Nobyembre 17, itinuturing na ang mga paglabag sa COVID protocols bilang election offense.
Ito ay kinabibilangan ng hindi pagsunod sa 1-metrong pagitan sa physical distancing , hindi pagsuot ng facemask at face-shield, at kailangan din ang regular na paglilinis ng mga kamay, at tamang gawi sa pag-ubo at pagbahin.
Ginawang basehan sa resolusyon ng COMELEC ang itinakda ng batas tungkol sa eleksyon, partikular sa Fair-Election Act at Omnibus Election Code.
Pagmumultahin din ang mga political party na mapapatunayang lalabag sa mga patakaran ng hindi bababa sa P10,000.
Kailangan din magsumite ang mga organizers ng kampanya ng Affidavit of compliance with health protocols sa COMELEC, sa loob ng 24-oras matapos ang kampanya.
Ayon sa COMELEC, ang hindi pagsunod dito ay may kaakibat na penalty batay sa Republic Act (RA) 11332.