PRO 5, binigyan lang ng isang linggo upang tapusin ang imbestigasyon sa pananakit ng isang Colonel sa isang sarhento sa Legaspi City

Isang linggo ang ibinigay ng hepe ng Philippine National Police General Dionardo Carlos kay Police Regional Office (PRO) 5 Director Brigadier General Jonnel Estomo para tapusin ang imbestigasyon sa umano’y pananakit ng isang Police Colonel sa isang sarhento sa Legaspi City.

Kinumpirma ni Carlos na kanya nang nakausap ang suspek na si Colonel Dulnoan Dinamling Jr. at sinabing sinibak na sa pwesto at nasa restrictive custody na ito habang iniimbestigahan. 

Kahapon, binisita ni Carlos ang biktima na si Master Sergeant Ricky Brabante na nawalan ng isang mata dahil sa panakit ni Dinamling.

Nangako ang opisyal na tutulungan nito si Brabante sa kanyang gastusin sa pagpapa-opera.

Ayon may Carlos, nasa sa biktima na ang desisyon sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa opisyal na nanakit sa kanya.

Tiniyak ng hepe ng pambansang pulisya na magiging patas ang pagtrato nito sa suspek at biktima at sinabing makakabuting hintayin ang resulta ng imbestigasyon.

Photo: PNP