Batay sa paalaala ng kapulisan, kalimitang modus ng mga online scammers ay ang pag-po-post ng mga murang designer-products o kaya ay electronic gadgets sa Facebook o sa iba pang online platforms.
Ayon sa babala ng PNP, pagkatapos umano ng inisyal na bayad, maaaring makatanggap ng item ang buyers pero peke ang kanilang matanggap o kaya naman ay wala talagang matatanggap.
Bukod dito, kabilang rin umano sa laganap ngayong holiday season ang online travel scam kung saan may e-mail na matatanggap ang isang indibidwal na mayroon syang “free trip” sa ibang bansa.
Dito umano ay hihingan ang biktima ng reservation fee na mas mahal pa sa market price.
Tanging payo ng anti-cybercrime group sa publiko, wag basta-basta maniniwala sa mga murang inaalok sa social media.
Hinikayat ng mga awtoridad ang mamamayan na isumbong sa numerong 0905 414 6965 o di kaya ay sa Facebook page ng ACG.