Pagluwag ng restriksyon kontra COVID-19, hindi dahil papalapit na eleksyon: Cualoping

DAVAO CITY – Itinanggi ni Philippine Information Agency (PIA) Director General Assistant Secretary Mon Cualoping ang pasaring na lumuwag ang restrictions kontra COVID-19 dahil sa papalapit eleksyon.

Sa isang press conference, sinabi ni Cualoping na sadyang nagkataon lang na bumaba bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa dahil humina na ang transmission nito. 

Dagdag nito na walang kinalaman ang papalapit na eleksyon sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 kung niluwagan or hihigpitan ang restrictions.

Pero, babala nito na inaasahan ng mga eksperto sa kalusugan na maaring ibalik sa mas istriktong restriksyon ang buong bansa kung tataas uli ang bilang ng COVID-19 cases dahil na rin sa dami ng tao na lumalabas ngayong panahon. 

PIA Director General Assistant Secretary Mon Cualoping. (Armando Fenequito)