Mga hog raisers na apektado ng ASF, babayaran ng DA

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na kanilang mababayaran ang lahat ng mga hog raisers sa buong bansa na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ito ang pagsisiguro ng kalihim ng DA William Dar matapos kumpletong matanggap ang kabuuang P2.158-billion pondo na inilaan para sa affected hog raisers.

Ayon kay Dar,mayroon ng 48,530 hog raisers ang una ng nabayaran ng ahensya na abot sa P1.697 billion.

Sinabi ng kalihim, ang natitirang P461 million, ay nakatakda ng i-release para kumpletong mabayaran ang lahat ng backyard raisers . 

Dagdag nito na bukod sa kabayaran, may ibinigay pa ang DA na financial at technical assistance sa mga affected farmers sa pamamagitan ng Bantay ASF sa Barangay at Integrated National Swine Production Initiatives program (INSPIP).

Photo: Department of Agriculture