Sa panayam kay DA 11 Regional Executive Director Abel James Monteagudo, inaasahan na tataas ang presyo ng nasabing karne dahil sa taas ng demand nito para sa nasabing okasyon.
"When it comes to pricing, actually the pricing is about demand and supply," ani Monteagudo.
Ayon kay Monteagudo na may sapat pa na karneng baboy ang rehiyon dahil may iilang mga hog raisers na ang nakabangon mula sa pagtama ng African Swine Fever (ASF).
" Maski sa una pang panahon, wala pa ang COVID-19, wala pud ang ASF, mo saka man jud ang presyo sa karne basta Pasko, " paliwanag ng opisyal.
Sa ngayon wala pang suggested retail price na ipinatupad ang DA 11 para sa kada kilo ng nasabing karne.
Department of Agriculture 11 Regional Executive Director Abel James Monteagudo sa isinagawang meet and greet session kasama ang Davao Media. ( Armando Fenequito)