COMELEC, naglabas ng panuntunan para sa mga e-rallies

Mayroon ng implementing rules and regulations (IRR) inilabas ang Commission on Elections (COMELEC) para sa 2022 national elections na nagbibigay-daan sa pagsasagawa ng “e-rallies” bilang alternatibo sa pisikal na pangangampanya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pamamahalaan ng naturang IRR ang implementasyon ng Republic Act No. 9006 o ang Fair Elections Act para sa national at local elections sa Mayo 9, 2022.

Sa inilabas na panuntunan ng poll body, kabilang sa mga probisyon ng IRR, ang pagtatakda sa Education and Information Department ng COMELEC na magbigay ng plataporma para sa free livestreaming ng e-rallies para sa presidential, vice-presidential, at senatorial candidates maging mga partido.

Ipapalabas ang live streaming ng e-rallies kada gabi, simula Pebrero 8, 2022, sa opisyal na social media channels ng COMELEC.