Iniulat ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, "approved in principle" na ng Inter-Agency Task Force ang pagpapapasok ng mga turista mula sa green list countries.
Subalit ayon sa kalihim, tanging fully vaccinated tourists ang pahihintulutang makapasok sa bansa.
Ayon kay Puyat, bumuo na ng Special Technical Working Group (STWG) na babalangkas ng guidelines na siyang aaprubahan ng inter-agency task force (IATF).
Ipinaliwanag ng kalihim na ang fully vaccinated individuals ay dapat nagpaturok ng bakunang kinikilala lamang ng Food and Drug Administration (FDa) sa ilalim ng Emergency Use Authorization o awtorisado ng World Health Organization (WHO).
Sinabi ni Puyat, ang ganitong pamamaraan ay makatutulong sa pagbangon ng bansa lalo't tataas ang tourist arrivals at babalik ang consumer confidence na malaki ang kontribusyon sa growth development product (GDP) growth.
Ginagawa na rin aniya ito ng mga neighboring countries tulad ng Cambodia, Thailand, at Vietnam.
Larawan: DOT